Publiko binalaan ng FDA paggamit ng mga sex-enhancement pills

Nagbabala ang Food and Drug Administration sa paggamit at pagbebenta ng mga hindi rehistradong sexual enhancement drugs.

Partikular na tinukoy ng FDA ang produktong Maximum Sexual King pills na ayon sa FDA ay walang Certificate of Product Registration.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno, nilabag ng nasabing produkto ang nakasaad sa Republic Act No. 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009) na nagbabawal sa paggawa, importasyon, pagbebenta at promosyon ng Maximum Sexual King pills nang walang otorisasyon mula sa kanilang tanggapan.

Hindi rin nakatitiyak ang publiko sa kaligtasan at kalidad ng nasabing gamot dahil hindi ito dumaan sa kanilang pagsusuri.

Hiniling na rin ng FDA sa Bureau of Customs na pigilan ang pagpasok sa bansa ng naturang produkto.

Read more...