Ito ay sa kabila ng pagtaas ng tensyon sa nasabing isla sa West Philippine Sea na sinasabing pinapaligiran na ngayon ng ilang mga Chinese militiamen.
“If the President decides to visit the island, I volunteer to join him in my capacity as an elected senator of the Republic and as a freedom-loving Filipino,” ayon kay Lacson.
Ibinahagi ni Lacson ang kanyang suhestiyon sa pamamagitan ng kanyang Twitter post.
“Mr President: Barangay Pag-asa, Municipality of Kalayaan, Province of Palawan, Mimaropa ( Region IVB), Republic of the Philippines”, bahagi ng pahayag ng mambabatas.
Nauna dito ay binalaan ng pangulo ang China sa pagsakop sa nasabing lugar na isa sa pinaka-malaking isla sa bahagi ng West Philippine Sea.
Sinabi ni Duterte na ibang usapan na kapag ipinilit ng China ang pagpapadala ng kanilang mga tao sa nasabing isla.