Itataas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa full alert status ang buong pwersa ng pulisya sa Metro Manila simula sa susunod na linggo.
Mula sa heightened alert, Sinabi ni NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar na iaakyat ito sa full alert dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa ibat-ibang transport terminals sa Metro Manila kasabay ng Semana Santa.
Ayon kay Eleazar magtatalaga din sila ng dagdag na tauhan sa mga bus terminals, train stations, airports, seaports maging sa LRT at MRT stations.
Inaasahan na ang pagdagsa ng mga tao sa naturang mga transport terminals para sa mga uuwi sa iba’t ibang probinsya sa mahal na araw.
Ang Holy week ay magsisimula sa linggo ng palaspas sa April 14 at matatapos sa April 21.
Ang Huwebes Santo (April18) at Biyernes Santo (April 19) ay pawang mga regular holidays habang ang Black Saturday (April 20) ay isang special non-working holiday.
Nangangahulugan ito na kanselado ang lahat ng leave of absence ng mga PNP personnel sa buong Metro Manila.