Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, dahil sa easterlies ay malaki ang tyansa ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Bicol Region, Aurora at Quezon.
Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon kabilang na ang Metro Manila, maalinsangan ang panahon na may mababang tyansa ng pag-ulan.
Pulo-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang inaasahan sa buong Visayas lalo na sa dakong hapon o gabi.
Maalinsangan din ang panahon sa buong Mindanao na may mga tyansa pa rin ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Ngayong araw, pinakamataas ang temperatura sa Tuguegarao City na inaasahang aabot sa 35 degrees Celsius.
Samantala, may cloud clusters na namataan sa labas ng bansa ngunit ayon sa PAGASA ay mababa ang tyansa na maging ganap na bagyo ito.