2 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

Natimbog ang dalawang lalaki sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Ayon kay Police Captain Ramon Aquiatan, hepe ng Station Drug Enforcement Unit ng QCPD Station 7, nakuhaan ang dalawang suspek ng 17 sachet ng shabu.

Nagkakahalaga ang iligal na droga ng higit P13,000.

Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...