Nahuli ang 74 na indibidwal sa isinagawang simultaneous anti-criminality operations sa buong magdamag sa Pasay City.
Ayon kay Pasay Police chief Col. Bernard Yang, 16 sa mga nahuli ay nakuhaan ng hinihinalang iligal na droga.
Ang higit 50 naman ay naaresto dahil sa mga paglabag sa iba’t ibang lokal na ordinansa tulad ng pag-inom ng alak sa pampublikong lugar.
Dismayado si Yang na marami pa rin ang nahuhuli kahit mas pinaiigting ang mga anti-criminality operations sa lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES