Matatandaang nagpetisyon ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Bayan Muna na dapat ay magkaroon ng rebate para sa karagdagang gastos na naidulot ng krisis tulad ng pagbili ng mga water drums at timba, at maging ang nawalang kita ng customers.
Pero ayon sa MWSS wala silang kapangyarihang pagdesisyunan ang naturang petisyon.
Pinayuhan ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty na maghain ng petisyon ang naturang mga grupo sa korte.
Ayon naman kay Bayan secretary-general Renato Reyes, ang sagot ng MWSS ay hindi naman nagdismiss sa kanilang petisyon ngunit hindi rin gumawa ng paraan para umusad ito.
Dismayado si Reyes sa kabiguan ng MWSS na pamunuan ang isang public hearing na mahalaga para sa partisipasyon ng consumers.
Sinabi naman ni Reyes na kokonsulta sila sa kanilang mga abogado para sa mga susunod na hakbang.