P1.1M halaga ng shabu nasabat sa magkasintahan sa Cebu City

Benjie Talisic, CDND

Arestado ang isang lalaki at girlfriend nito matapos silang mahulihan ng P1.1 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng pulisya sa Barangay Tejero, Cebu City.

Huli sa buy bust operation si Melchor Dinawanao, 26 anyos, alyas Chong at ang girlfriend nitong si Bridget Rose Matbagon, 23 anyos.

Ayon kay Police Major Joemar Pomarejos, hepe ng Waterfront Police Precinct, si Dinawanao ang target ng operasyon pero kasama nito ang kasabwat na kasintahan.

Nakumpiska sa dalawa ng 165 grams ng shabu na sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board ay nasa P1.1 milyon.

Tumanggi namang magsalita ang magkasintahan na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Read more...