Kalahati ng mga pananim sa 3 ektaryang maisan ang hindi na pwedeng anihin dahil walang laman ang mga bunga ng mais.
Ayon sa caretaker ng maisan, hindi na nila naisalba ang pananim kahit pa lagi silang nagdidilig noong nakaraang buwan.
Reklamo naman ng ilang magsasaka, bumagsak sa P500 ang kanilang kita mula P4,000 kada linggo dahil sa epekto ng matinding init sa pananim na talong, siling labuyo at okra.
Sinabi ng City Agriculturist’s Office, ang mais, gulay at upland na palay ang pinaka-apektado ng dry spell.
Dahil dito ay hinikayat ang mga magsasaka na magtanim ng gabi at kamote na resistant sa tagtuyot.
Naglagay na rin ng maliit na patubig at pinoproseso na ang tulong pinansyal ng Philippine Crop Insurance Corporation sa mga apektadong magsasaka.