Kaso ng tigdas bumababa na; pero deklarasyon ng outbreak hindi pa aalisin ng DOH

Bumababa na ang naitatalang kaso ng tigdas sa bansa.

Sa kabila nito, ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) na hindi pa nila masasabing wala nang outbreak ng sakit.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, maidedeklara lamang na wala nang outbreak kapag wala nang naiuulat na bagong kaso ng tigdas sa loob ng anim na linggo.

Kaya ayon kay Domingo, kahit bumababa na ang kaso ay may outbreak pa rin ng tigdas sa Metro Manila at sa iba pang rehiyon sa Luzon at Visayas.

Sa San Lazaro Hospital sinabi ng DOH na bumaba na ang bilang ng mga dinadalang maysakit na tigdas.

Nakamit na rin ng DOH ang inisyal na bilang ng target nitong mabakunahan ng kontra tigdas.

Ani Domingo, umabot na sa 5 milyon na bata mula kindergarten hanggang Grade 6 ang kanilang nabakunahan.

Read more...