Sa pagdating ng 18,000 metric tons ng bigas galing Pakistan, mayroon na ngayong 515,125 na metric tons ng NFA rice ang bansa.
Ayon kay NFA acting administrator for operations Rex Estoperez ito na ang huling pag-aangkat ng NFA rice at ang nasabing dami ng bigas ay tatagal hanggang Agosto.
Hindi na magbebenta ng NFA rice sa mga palengke at pamilihan matapos alisin ang ibang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) sa ilalim ng Rice Tariffication law.
Bibili pa rinn aman ng bigas ang NFA sa mga magsasaka sa bansa pero para na lamang ito sa pamamahagi kapag may kalamidad.
READ NEXT
Lockdown ipinatupad sa US Naval Air Station Oceana sa Virginia dahil sa insidente ng pamamaril
MOST READ
LATEST STORIES