Lockdown ipinatupad sa US Naval Air Station Oceana sa Virginia dahil sa insidente ng pamamaril

Nagpatupad ng lockdown sa Naval Air Station Oceana sa Virginia USA.

Ito ay makaraang magkaroon ng insidente ng pamamaril sa lugar.

Ayon sa post sa Twitter ng NAS Oceana, isang suspek ang namaril na agad din namang naaresto ng mga otoridad.

Mayroong isang tinamaan ng bala na agad dinala sa ospital

Ayon naman sa isang military official, sa base parking lot ng NAS Oceana nangyari ang pamamaril.

Inilarawan din nitong “domestic disturbance” ang insidente.

Read more...