Mobile game na PUBG pinag-aaralang i-ban sa India

Pinag-aaralan na ng pamahalaan sa India ang pagpapatupad ng bansa sa online game na PUBG o PlayerUnknown’s Battlegrounds.

Ito ay makaraan ang pagpapatiwakal ng isang 16 anyos na manlalaro nito, matapos siyang mapagalitan ng kaniyang ina.

Nagalit ang nanay ng binatilyo dahil sa halip na mag-aral ito dahil mayroon siyang exams sa English ay naglalaro lang ito ng PUBG.

Dahil dito umani ng panawagan ang pag-ban ng naturang laro sa India.

Noong Marso, dalawang lalaki ang nasawi matapos masagasaan ng tren dahil din sa pagkakaro ng survival game sa kanilang cellphone.

Sa ngayon ilang lungsod na sa central Indian state na Gujarat ang nagpatupad ng bansa PUBG.

Ito ay dahil nagdudulot umano ito ng disctraction sa pag-aaral ng mga bata.

Read more...