Lalaki patay sa pamamaril sa Davao Del Sur

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek sa Digos City, Biyernes (Apr. 5) ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Deozar Almasa, City police provincial director, ang biktima ay nakilalang si Junard Dimanalao, residente ng Kidapawan City.

Nakaupo lang umano ang biktima sa harap ng sari-sari store nang ito ay barilin sa likuran.

Dinala pa sa Davao Del Sur Provincial Hospital ang biktima pero nasawi din.

Ayon kay Almasa, nakuha sa biktima ang itimn a pouch na mayroong P2,710 na cash, malaking sachet ng hinihinalang shabu, improvised toother, dalawang cellphone at personal na gamit.

Read more...