Shabu na nakumpiska ng PDEA sa 1st quarter ng 2019, umabot sa P5.27B ang halaga

PDEA PHOTO
Umabot sa 776.06 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.27 bilyon ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa unang bahagi ng 2019.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ito ang pinakamataas na narekober na kontrabando sa unang tatlong buwan sa isang taon sa kasaysayan ng drug law enforcement agency.

Mahigit doble aniya ito ng ikalawang pinakamataas na nakuhang kontrabando sa unang bahagi ng 2015 na may 314.47 kilos.

Maliban dito, nasa 2,818 na drug suspects ang naaresto ng ahensya.

Sinabi ng PDEA na magiging tutok ang ahensya sa pag-implementa ng anti-drug advocacies tulad ng Balay Silangan para sa mga sumukong drug personalities at Sagip Batang Solvent para sa mga batang gumagamit ng ilegal na droga.

Dagdag pa ni Aquino, malaking tulong din ang pinaigting na kooperasyon at koordinasyon sa ibang bansa para tutulan ang ilegal na droga.

Read more...