PNR may libreng sakay din sa mga beterano sa Lunes, Apr. 8

May handog ding libreng sakay ang Philippine National Railways (PNR) para sa mga beterano.

Ito ay bilang paggunita ng Philippine Veterans Week at Araw ng Kagitingan.

Sa April 8, 2019 araw ng Lunes, libre ang sakay ng mga beterano sa PNR mula alas 6:30 ng umaga hanggang alas 9:30 ng umaga at alas 4:00 ng hapon hanggang alas 6:00 ng gabi.

Nauna nang nag-anunsyo ng libreng sakay ang MRT at LRT 2 para sa mga beterano na tatagal mula April 5 hanggang April 11.

Read more...