Hindi inaasahang outage ng 5 planta ng kuryente dahilan ng yellow alert sa Luzon Grid

Limang planta ng kuryente ang nakaranas ng forced o unplanned outage na naging dahilan ng deklarasyon ng yellow alert sa Luzon Grid, Biyernes, Apr. 5 ng hapon.

Ayon sa Department of Energy (DOE), kabilang sa mga nakaranas ng hindi inaasahang outage ay ang sumusunod na planta:

• Malaya Unit 2 (350 MW)
• Pagbilao Unit 3 (420 MW)
• SLTEC Unit 1 (135MW)
• Makban Unit 7 (20 MW)
• Tiwi Unit 1 (60 MW)

Sa kabuuan, aabot sa 985 MW ang nawala dahil sa pagpalya ng naturang mga planta ng kuryente.

Itinaas ang yellow alert ala 1:00 ng hapon dahil numipis ang reserba sa Luzon Grod.

Ayon sa DOE, lifted na ang yellow alert dakong alas 3:22 ng hapon makaraang bumaba na ang demand sa kuryente.

Read more...