Pinay patay sa pananaksak ng pinsan sa California

Patay ang isang 28 anyos na Pinay matapos itong pagsaksakin ng kaniyang pinsan sa PIttsburgh, California.

Ayon sa Pittsburg Police, agad silang nagpunta sa bahay ng suspek na si Henry Brodie III, isang Fil-Am matapos makatanggap ng tawag sa 911.

Nadatnan ng mga pulis ang katawan ng biktimang si Kirstiene Catapusan na may mga saksak sa itaas na bahagi ng katawan.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.

Sinampahan na ng kasong murder si Brodie.

Sa imbestigasyon, inamin ni Brodie na sinasaksak niya ang pinsan matapos silang magtalo.

Nakakulong na ngayon ang suspek at $2 milyon ang piyansang ibinaba ng korte para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Read more...