National disaster idineklara sa South Korea dahil sa forest fire

AFP Photo
Dahil sa malawak na forest fire nagdeklara na ng national disaster sa South Korea.

Umabot sa 900 fire engines at libu-libong bumbero ang nagtutulong-tulong para maapula ang sunog malapit sa bayan ng Sokcho.

Nagsimula ang sunog noong Huwebes, April 4.

Lalong lumalakas ang apoy dahil sa malakas na hangin at nagdulot ng pagkalat nito.

Umabot na sa 400 bahay at 500 ektarya ng lupain ang nasunog.

Nasa 4,200 na katao naman ang inilikas at mayroong isang nasawi at 35 ang sugatan.

Read more...