VIRAL: Dance performance ng graduating students ng Holy Trinity College sa General Santos City

Viral ngayon sa social media ang dance performance ng graduationg students ng Holy Trinity College sa General Santos City.

Naganap ang performance noong March 27 sa graduation ng Senior High School students.

Ibinahagi ng estudyanteng si Ric Sherwin Verzosa ang video ng dalawa nilang performance.

Una ay ang pagsasayaw nila ng “We’re all in this together” ng High School Musical na mayroon nang mahigit 40,000 na views, Biyernes (Apr. 5) ng gabi.

Sunod ay inawit at sinayaw din ng mga estudyante ang “A Million Dreams” ng The Greatest Showman na mayroon nang halos 30,000 views.

Ayon kay Verzosa, ang performance ay ideya ng faculty members ng eskwelahan.

Dalawang linggo lamang nila na-practice ang nasabing performance.

Read more...