Recreational use ng marijuana legal na sa Guam

FILE PHOTO

Legal na ang recreational use ng marijuana sa Guam.

Nilagdaan ni Gov. Lou Leon Guerrero ang batas kung saan pinapayagan ang mga edad 21 anyos at pataas na makabili o makapagmay-ari ng 28 grams ng marijuana.

Tiniyak ni Guerrero na magpapatuloy ang limitasyon sa pagkalat ng marijuana at patuloy na imomonitor ng pamahalaan ang paggamit nito.

Kinakailangan pang lumikha ng rules ang regulations ng Cannabis Control Board bago maipatupad ang inaprubahang batas.

Kailangan ding magtayo ng cannabis testing facility bago maging legal ang bentahan.

Sa ilalim ng batas maaring makapagtanim ng hanggang six plants ng marijuana para sa personal na gamit.

Bawal ang gamitin ito in piblic at bawal ang magmaneho ng nakagamit nito.

Binibigyang laya din ang employers na magpatupad ng drug-free workplaces.

Read more...