DSWD namigay ng housing units sa mga biktima ng bagyong Pablo noong 2012

dinkyrally
Inquirer file photo

Muling namahagi ng housing units ang pamalaan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Pablo nung taong 2012.

Ayon sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakumpleto na nila ang 18,447 na shelter units sa Davao Oriental, habang nasa 9,086 units naman sa Compostela Valley.

Sa kabuuan ay ipinagmalaki ng ng DSWD ang nasa 36,546 units na naitayo para sa dalawang lalawigan na labis na pininsala ng bagyong Pablo.

Sa ilalim ng Modified Shelter Assistance Program (MSAP) nasa 300 permanent homes na ayon sa kagawaran ang mapapakinabangan na.

Sinabi ni Social Welfare Sec. Dinky Soliman na patuloy ang kanilang pag-alalay sa mga nakaligtas sa bagyong Pablo para maibalik ang kanilang normal na pamumuhay.

Nilinaw din ni Soliman na hindi ginagamit sa pamumulitika ang nasabing proyekto pero aminado siyang delayed na ang nasabing mga housing projects.

Nauna dito ay sinabi ng ibat-ibang mga grupo na Compostella Valley na sadyang pinabagal ang pagtulong sa mga biktima para gamitin ang pondo sa pangangampanya ng Partido Liberal ng administrasyong Aquino.

 

Read more...