House Speaker Arroyo magiging consultant ng Pampanga provincial government pagkatapos ng termino

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
Sa pagtatapos ng kaniyang termino sa June 30, 2019, magsisilbing consultant ng Pampanga provincial government si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ito ni Arroyo kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang ika-72 kaarawan sa Llubao, Pampanga.

Ayon kay Arroyo nais niyang patuloy na mapagsilbihan ang Pampanga kaya magiging consultant siya ng probinsya.

Isang misa ang idinaos para sa kaarawan ni Arroyo sa St. Agustin Church.

Bago ang misa, lumahok sa pagbubukas ng Hot Air Balloon Festival sa Pradera Verde sa Lubao si Arroyo.

Nang tanungin naman kung ano ang kaniyang birthday wish, sinabi niyang wish niya ang anumang ikabubuti ng sambayanang Filipino.

Read more...