Ayon sa MRT-3 alas 2:45 ng hapon nang pansamantalang ihinto ang biyahe ng mga tren sa northbound sa Magallanes station.
Alas 3:15 ng hapon ay naiayos din agad ang problema at naibalik sa normal ang biyahe.
Hindi naman nagdulot ng unloading o pagpapababa ng pasahero ang aberya.
Samantala, bandang alas 4:30 ng hapon,isang tren muli ng MRT ang nagkaproblema.
Ayon sa mga pasahero, nag-anunsyo ng stop train ang driver ng tren dahil may pasaherong sumandal sa pintuan.
Nag-alarm ang pinto habang umaandar ang tren kaya kailangan itong ihinto.
Sa pagtaya ng mga pasaherong sakay ng tren, 15-minuto ding nakahinto ang tren.
Hindi rin nagresulta ng unloading ang insidente.