Sen. Pangilinan hinamon si Pangulong Duterte na arestuhin ang mga appointees niyang sangkot sa ilegal na droga

Hinamon ni Senador Francis Pangilinan si Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga big time drug lords at kaniyang appointees na nagdala ng bilyun-bilyong halaga ng shabu sa bansa.

Ayon sa senador, ito ay para mapatunayang totoo ang kontrobersyal na anti-illegal drugs campaign ng administrasyon.

Giit pa nito, dapat itong gawin ng pangulo sa halip na takutin ang kaniyang mga kritiko.

Hindi dapat manahimik ang mga kritiko sa mga banta ng pag-aresto.

Read more...