Anthony Davis ng New Orleans pinagmulta ng pamunuan ng NBA

PHOTO: USA TODAY
Pinagmulta ng NBA ang New Orleans Pelican forward na si Anthony Davis dahil sa hindi magandang pagtrato nito sa isang fan.

Ayon kay NBA executive vice president of basketball operations Kiki VanDeWeghe, gumawa ni Davis ng isang offending gesture sa pag-alis sa court kasunod ng pagkatalo ng Pelicans kontra sa Charlotte Hornets sa iskor na 115-109.

Umani ng kritisismo ang naging asal ni Davis mula sa mga fans.

Dahil dito, pinagmumulta si Davis ng $15,000.

Matatandaang hindi nakapaglaro ng apat na sunod na basketball game si Davis dahil sa back spasms.

Read more...