Pangulong Duterte nagbanta ng military takeover sa NAIA

INQUIRER FILE PHOTO/JOAN BONDOC

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte ng military takeover sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kapag hindi umayos ang sitwasyon sa paliparan.

Ginawa pang halimbawa ni Pangulong Duterte ang paglagay niya kay dating military chief Rey Leonardo Guerrero sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa pangulo, kung hindi magiging maayos ang serbisyo at sitwasyon sa paliparan pwedeng magtake over ang Air Force.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa campaign rally ng PDP Laban sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Ang NAIA, na main international gateway ng bansa ay umaani ng batikos dahil sa congestion at inefficiency problems.

Read more...