Ayon kay DPWH-National Capital Region (DPWH-NCR) Director Ador G. Canlas, ang rehabilitasyon sa mga kalsada ay mag-uumpisa ng alas 11:00 ng gabi ng mamaya, (Apr. 5).
Kabilang sa maaapektuhan ang sumusunod na kalsada:
SOUTHBOUND:
EDSA – New York Street hanggang Monte de Piedad, 2nd lane mula sa sidewalk
C5 – bago mag-Ortigas Flyover hanggang Tiendesitas
Katipunan Ave – lagpas ng C.P Garcia hanggang Gonzales Street
Katipunan Ave – lagpas ng F. Dela Rosa Street, truck lane
NORTHBOUND
EDSA – 50 meters pagkalagpas ng MRT Magallanes hanggang KM 29 sa Makati, outer lane
C5 – harap ng SM Aura
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan na lamang ang nabanggit na mga kalsada ngayong weekend para hindi maabala.
Sa Lunes, Apr. 8 alas 5:00 ng umaga ay bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada.