Kahit bumagal ang inflation, pamahalaan patuloy na tututukan ang presyo ng pangunahing bilihin

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi magiging complacent o kampante ang gobyerno sa pagtutok sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagbagal ng inflation rate sa bansa kung saan nakapagtala ng 3.3 percent noong buwan ng Marso.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na kampante ang gobyerno na patuloy ang pagbagal ng inflation rate ngayong taon dahil sa pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act. No. 11203 o An Act Liberalizing the Importation, Exportation and Trading of Rice, Lifting for the Purpose the Quantitative Import Restriction on Rice, and for other Purposes.

Inaasahan aniya ng mga economic manager ang pagbaba ng presyo ng mga bigas sa 0.5 hanggang 0.7 percent ngayong 2019.

Sinabi pa ni Panelo na tututukan din ang mga presyo ng mga bilihin dahil sa nararanasang El Niño phenomenon.

Ito na ang pinakamababang inflation rate sa bansa simula January 2018.

Read more...