2 suspek sa pagpatay sa mag-iina sa Bulacan, kinasuhan na

Radyo Inquirer Photo / Jong Manlapaz
Ipinagharap na ng kaso ang dalawang suspek sa pagpatay sa mag-iina sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon naman kay Police Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng SJDM police, kasong robbery with multiple homicide an isinampa kina Wilson Cortez Nozal at Joselito Tolibas Cortez

Batay sa resulta ng autopsiya, walang nakitang palatandaan na ginahasa ang nanay ng mga bata habang multiple wounds ang tinamo ng mga biktima mula sa kutsilyo na ginamit sa krimen.

Sinabi ni Castil na batay sa pahayag ng mga suspek, napilitan sila na idinamay ang mga bata dahil namukhaan na sila ng mga ito.

Batay sa imbestigasyon, kinakasama ng suspek na si Wilson ang kamag-anak ng biktima.

Lumitaw din sa otopsiya na gumamit din ng electrical wire ang mga suspek para
ipangsakal sa ina at may mantsa pa ng dugo ang mga damit ng mga suspek.

Una nang sinabi ng Bulacan police na case closed na ang insidente dahil umamin naman ang dalawa sa kanilang ginawa.

Read more...