3 sundalo patay, 13 iba pa sugatan sa engkwentro ng sa Abu Sayyaf sa Sulu

Patay ang tatlong sundalo habang sugatan ang 13 iba pa sa engkwentro sa mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu Biyernes ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Gerald Monfort, tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu, nakasagupa ng tropa ng 5th Scout Ranger Battalion ang nasa 80 miyembro ng Abu Sayyaf sa pamumuno ni Hatib Hajan Sawadjaan sa bahagi ng Sitio Atol, Barangay Latih bandang 6:50 ng umaga.

Tumagal ng 30 minuto ang bakbakan sa lugar.

Apat naman ang napatay habang siyam ang sugatan sa panig ng mga rebelde.

Dinala na ang mga nasawing sundalo sa military station sa Jolo sa pamamagitan ng Air Force UH-1H choppers.

Nagparating naman ng pakikiramay si Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Rey Divino Pabayo Jr. sa pagkasawi ng mga sundalo.

Binati rin nito ang kagitingan ng mga sundalo para labanan ang presenya ng mga bandido sa Barangay Latih.

Read more...