Suspension order kay QC Coun. Roderick Paulate pinagtibay ng Sandiganbayan

Pinagtibay ng Sandiganbayan ang ipinataw na preventive suspension laban kay Quezon City Coun. Roderick Paulate sa isyu ng pagkakaroon ng ghost employees.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan 7th Division, ibinasura nito dahil sa kawalan ng merito ang motion for reconsideration ni Paulate.

Sa nasabing mosyon nais ni Paulate na isantabi ang naunang pasya ng anti-graft court na nagpapataw ng 90-days suspension sa kaniya.

Ayon sa Sandiganbayan tuloy ang suspensyon ni Paulate at hindi na nito pwedeng gampanan ang kaniyang tungkunin bilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Quezon City.

Tinawag ding malisyoso at walang absehan ng korte ang pahayag ni Paulate na may bahid pulitika ang naging pasya sa kaniyang kaso.
Ang kasong graft at falsification ni Paulate ay dahil sa pagkakaroon nito ng nasa 30 ghost employees noong 2010.

Read more...