Binigyan ng parangal ang walong pulis na nasugatan matapos makasagupa ang mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Lanao del Sur.
Ginawaran ng “Medalya ng Sugatang Magiting” ang mga pulis na pawang nagpapagaling sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City.
Si Brig. Gen. Graciano Mijares, direktor ng Bangsamoro regional police office ang naggawad ng parangal.
Ito ay bilang pagkilala sa kanilang kagitingan sa naganap na operasyon noong Huwebes, April 4 kung saan apat na suspek sa kasong murder ang nasawi.
Kabilang sa tumanggap ng medalya ang mga sumusunod na pulis:
• Captain Glen Lyca Gevero
• Captain Mark Harry A. Boglosa
• Senior Master Sergeant Marlon P. Panitan
• Staff Sergeant Magno O. Olete
• Staff Sergeant Nino O Cadano
• Corporal Ronald T. Rosco
• Corporals Omar Masakal
• Patrolman Arnel A. Montallana
Pinagkalooban din ng cash assistance ang mga sugatang pulis.
Sa ngayon pinaghahanap naman ng mga otoridad si Corporal Golbert Males na napaulat na nawawala matapos ang bakbakan.