P4.2M na halaga ng tanim na marijuana sinira sa Cebu

PDEA – 7 Photo

Aabot sa P4.12 million worth na halaga ng tanim na marijuana ang sinira ng mga otoridad mula sa tatlong hinihinalang plantation sites sa bayan ng Balamban sa Cebu.

Pawang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA), Naval Forces Central, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Cebu Provincial Mobile Force Company, at 47th Infantry Batallion Bravo Company ang nagsagawa ng operasyon.

Ayon sa PDEA-7 may tatlong katao sa lugar pero mabilis na nakatakas ang mga ito nang dumating ang mga otoridad.

Nagsasagawa na ngayon ng follow-up operation para sila ay maaresto.

Noong nakaraang buwan, nakumpiska din ng mga otoridad ang P4-million na halaga ng tanim na marijuana sa parehong bayan.

Read more...