Pulis at isang drug suspect patay sa buy-bust sa Tacloban City

Inquirer file photo

Patay ang isang pulis at isang drug suspect matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation sa Brgy. 84 sa Tacloban City.

Ayon kay Police Lt. Col. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Police Regional Office sa Eastern Visayas nasawi si Police Cpl. Arman Batocan na miyembro ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU).

Patay din ang suspek na si Ralph Basiano, na isang dating drug surrenderee.

Ayon kay Rentuaya, nagsagawa ng buy-bust oepration ang mga tauhan ng RDEU laban kay Basiano.

Gayunman, nanlaban ito nang malamang pulis pala ang katransaksyon.

Tinamaan ng bala ng baril si Batocan habang nabaril ng iba pang pulis si Basiano.

Kapwa sila idineklarang dead on arrival sa ospital.

Read more...