Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, humarap sa media si Mrs. Fajardo upang linawin sa publiko na walang kinalaman sa anumang illegal na aktibidad ang kanyang mister.
Sinabi rin ng ginang na plano na rin nilang umalis ng Pilipinas ngayong buwan ng Abril, sakto sa kanyang kaarawan sa Abril 8 upang mapanatag ang kanilang pamilya.
Ang hinihintay na lamang nila na matapos ang imbestigasyon ng NBi upang ganap na maging malinis ang pangalan ng kanyang mister na pilti aniyang idinadawit sa illegal drugs dahil sa matinding pagtulong sa kampanya ni dating mayor halili laban sa illegal drugs.
Kaugnay nito, nag-alok ng pabuyang P1 milyon ang pamilya Fajardo sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa kinaruruonan ng kanyang mister.
Nabatid sa ginang na noong gabi ng Abril 3, 2019 kumakain ang biktima sa Seda Hotel nang dukutin tinatayang 30 armadong kalalakihan at mula noon ay hindi na niya nakausap o nakipag-ugnayan sa kanyang pamilya.
Sa mga nagnanais na makatulong sa paglutas sa kaso, hiniling ni ginang Fajardo na tumawag sa mga numero ng NBI sa direct line o 5250445 at sa 5238231 local 0446