Ayon kay Danao, dumaan sa tamang proseso ang ginawang desisyon ng Ombudsman laban kay Police Staff Sgt. Gerry Genalope dahil sa kasong grave misconduct.
Ito ay matapos siyang masangkot sa pagpatay sa isang 23-anyos na epileptic sa anti-illegal drug operation sa Tondo, Manila noong 2017.
Naniniwala din si Danao na patas ang naging desisyon ng Ombdusman laban sa tauhan nito.
Kasabay nito ay pinaalalahanan ni Danao ang mga tauhan nito at maging ang iba pang law enforcers na walang sinuman ang mas nakatataas sa batas.
Dapat aniyang maayos at maingat ang mga otoridad sa pagpapatupad ng batas.