WATCH: Tatlong Filipino acts nagpakitang gilas sa finals ng Asia’s Got Talent

Sa siyam na nakapasok sa grand finals ng Asia’s Got Talent (AGT), tatlo ay mula sa Pilipinas.

Kabilang sa mga Filipino Act na nakapasok sa finals ay si Philippine Galit alyas Shadow Ace, Power Due at ang dance group na Junior Good Vibes.

Napahanga muli ni Shadow Ace ang mga hurado sa kaniyang hand shadow performance.

Ayon kay Anggun, meaningful at inspirational ang kwento ng performance ni Shadow Ace.

Nagpakita naman ng delikadong stunts ang Power Duo sa kanilang performance matapos magsagawa ng aerial dance.

Bagaman delikado, effortless umano itong ginawa nina Anjanette at Gervin ayon kay Judge Jay Park.

Tumanggap naman ng standing ovation ang dance group na Junior Good Vibes sa kanilang baseball-themed performance.

Ang tatlong mula sa Pilipinas ay may tsansang manalo ng $100,000 na grand prize.

Read more...