Kumamada ng 40-points sa unang tatlong quarter si Stephen Curry ng Golden State Warriors kung saan ay kanilang inilampaso ang Charlotte Hornets sa iskor na 116-99.
Dahil sa panalong ito ng Warriors ay gumawa sila ng bagong NBA record na may pinakaraming sunud-sunod na panalo at wala pang talo sa pagsisimula ng season kung saan naitala nila ang 20-0 marking.
Sa kabuuan ng 4th quarter ay hindi na ipinasok ang kasalukuyang NBA MVP na si Curry dahil sa laki ng kanilang kalamangan laban sa naghahabol na Hornets.
Nagtuloy-tuloy ang magandang laro na ipinakita ni Curry kung saan ay nakapag-buslo siya ng limang 3-pointers mula sa anim na beses na pagtatangka.
Sinikap pa ng Hornets na humabol sa 4th quarter kung saan ay sinamantala nila na nasa bench si Curry sa pamamagiitan ng sunud-sunod na 3-pointer ni Nicolas Batum pero kinapos na sila ng oras.
Bagama’t naglalaro sa kalabang team ay umani pa rin ng papuri si Curry mula sa mga manonood sa homecourt ng Hornets.
Si Curry kasi ay lumaki sa Charlotte kung saan siya ay naglaro bilang guard sa Davidson College noong siya ay nasa High School pa.