WATCH: “Kill This Love” ng BLACKPINK trending; may 21M views na sa Youtube makalipas ang 10-oras

Trending ang bagong kanta ng sikat na South Korean group na BLACKPINK na “Kill This Love.”

Ang nasabing kanta ay nakapaloob sa ikalawang extended play o E-P ng grupo kasunod ng debut E-P nilang “Square Up.”

Kasabay ng paglabas ng bagong kanta – trending sa Twitter Philippines ang hashtag na “Kill this love with BLACKPINK” na nasa number one spot.

Sinabayan din ito ng music video na mayroon ng higit 21-million views sa Youtube sa loob lamang ng 10-oras.

Nakapaloob sa bagong E-P ng BLACKPINK ang iba pang kanta gaya ng “don’t know what to do”, “Kick It,” “Hope Not,” at ang remix ng sikat nilang kanta na “Ddu-Du Ddu-Du.”

Noong Pebrero lang ay nagdaos ng concert sa Pilipinas ang nasabing grupo at nakatakda namang silang lumabas sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Indio-California na kauna-unahang pagkakataon sa isang Korean group.

Read more...