Muling bumagal ang inflation o ang pagsipa ng halaga ng mga bilihin at serbisyo para sa buwan ng Marso.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 3.3% ang naitalang inflation sa nagdaang buwan ng Marso, mas mababa pa kumpara sa 3.8% noong Pebrero.
Top three contributors para sa overall inflation ang:
– food and non-alcoholic beverages
– housing, water, electricity, gas at iba pang fuels
– restaurant at miscellaneous goods and services.
Ang annual inflation para sa Metro Manila ay bumaba din ng 3.2% noong March 2019.
Habang ang headline inflation average para sa unang quarter ng taon ay nasa 3.8%.
Pasok pa ito sa target ng gobyerno na 3 hanggang 4 percent para sa kasalukuyang taon.
MOST READ
LATEST STORIES