Liza Soberano nag-alalang baka hindi na mabigyan ng project sa desisyong huwag nang gawin ang Darna

Bago tuluyang magpasya na huwag gawin ang Darna Movie, nagpahayag ng pagkabaha si Liza Soberano na baka ikagalit ito ng kaniyang managers at Star Magic.

Nag-alala din din Liza na baka hindi na siya mabigyan ng trabaho ng ABS-CBN kaya inisip nitong paano kaya ang mangyayari sa kaniyang pamilya.

Ito ang ikinwento ng kaniyang manager na si Ogie Diaz.

Ayon kay Ogie, tinanong siya ni Liza kung di ba siya magagalit kapag hindi na gagawin ng aktres ang role.

Hanga naman si Ogie sa kabutihan ni Liza dahil hindi sarili nito ang kaniyang iniisip kundi ang kaniyang pamilya at ang management.

Aminado si Ogie na bilang co-manager ng aktres nalungkot siya na hindi na magagawa ni Liza ang Darna.

Ani Ogie ginawa naman ang lahat para sa finger injury ni Liza pero talagang matatagalan pa bago ito maibaik sa normal.

Read more...