LOOK: Water level sa mga dam sa Luzon ngayong araw, Apr. 5

Patuloy pa rin sa pagbaba ang antas ng tubig sa mga dam sa Luzon dahil wala pa ring nararanasang pag-ulan sa bansa.

Base sa update ng PAGASA Hydro-Meteorology Division, alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, Apr. 5, ang water level sa Angat dam ay nasa 191.07 meters na lamang.

Mas mababa ito kumpara sa 191.49 meters kahapon.

Samantala ang La Mesa dam naman ay nasa 68.50 meters ang water level, mas mababa ng bahagya kumpara sa 68.52 meters kahapon.

Nabawasan naman ang antas ng tubig sa iba pang mga dam sa Luzon.

Kabilang dito ang Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Read more...