Trillanes kay Paolo Duterte: ‘Ang dami mong arte’

Itinanggi ni Senator Antonio Trillanes IV na may kinalaman siya sa pagpapalabas at pagkalat ng video na nag-uugnay kay Presidential son Paolo Duterte sa ilegal na droga.

Sa kaniyang inilabas na pahayag, binati ni Trillanes ang sinumang nasa likod ng video.

Sinabi ni Trillanes na sana nga ay may kinalaman siya dito, pero wala.

Muli nitong binatikos si Pangulong Duterte at sinasabing hinahabol na ito ng katotohanan.

Sa pahayag, hinamon din nito ang nakababatang Duterte na ipakita na ang kaniyang tattoo sa likod.

“Ikaw naman Polong, ipakita mo nalang ang likod mo, ang dami mo pang arte,” ayon kay Trillanes.

Read more...