Ang divorce deal ni Amazon founder Jeff Bezos sa kaniyang dating asawa ang maituturing na pinakamalaki sa kasaysayan.
Si Bezos ay nananatiling pinakamayaman sa mundo na mayroong estimated na yaman na $110 billion.
Matapos ang paghihiwalay ni Bezos at asawa niyang si MacKenzie Bezos, maituturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng divorce settlement ang napag-usapang halaga.
Umabot sa halos $36 billion shares sa Amazon ang nakuha ni MacKenzie.
Kumakatawan ito sa four percent ng common stock ng kumpanya.
Ayon sa Forbes Magazine, dahil sa divorce settlement, si MacKenzie na ang ikatlong pinakamayamang babae sa buong mundo.
Sumusunod siya sa may-ari ng L’Oreal at may-ari ng Walmart na kapwa babae rin.
MOST READ
LATEST STORIES