Ayon kay PAGASA weather specialist Gener Quitlong, wala ring sama ng panahon na mabubuoo sa bansa sa susunod na 3 araw.
Sa ngayon ang easterlies o hangin na galing sa dagat pasipiko ang umiiral sa halos buong bansa.
Ngayong araw ang buong Luzon kasama na ang Metro Manila ay makararanas ng maaliwalas, subalit mainit at maalinsangang panahon at magkakaroon lamang ng isolated thunderstorms.
Magiging maganda rin ang panahon sa buong Visayas at Mindanao at magkakaroon lamang din ng isolated thunderstorms.
Ayon sa PAGASA ang mga lugar na maaapektuhan ng thunderstorms ay maaring makaranas ng pandalian subalit malakas na pag-ulan.
Walang nakataas na gale warning ngayong araw saanmang baybayin ng bansa.