5 arestado matapos maaktuhan sa drug session sa isang gusali sa QC

Arestado ang limang katao matapos maaktuhang nasa kasagsagan ng drug session sa Quezon City.

Ang mga suspek ay nadatnan ng mga tauhan ng Eastwood Police Station na gumagamit ng illegal na droga sa isang commercial building sa Barangay Bagumbayan matapos may magreklamo sa mga pulis.

Apat sa limang suspek ay empleyado ng gusali na pawang nakatalaga sa maintenance at sa canteen.

Nakuhanan ang mga suspek ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Mahaharap ang lima sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act pf 2002.

Read more...