Balilihan, Bohol niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Balilihan sa lalawigan ng Bohol.

Naitala ang pagyanig sa 6 kilometers northwest ng bayan ng Balilihan, alas-3:49 ng madaling araw ng Biyernes, April 5 at may lalim na 6 kilometers.

Tectonic ang origin ng pagyanig ayon sa Phivolcs.

Wala namang naitalang mga pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...