Lalaki timbog dahil sa droga sa Las Piñas

Arestado ang isang lalaki dahil sa iligal na droga sa Pamplona Uno, Las Piñas.

Isinilbi ng Station Drug Enforcement Unit ng Las Piñas City Police Precinct 3 ang search warrant sa bahay ng suspek na nakilalang si Edwin San Pedro.

Ang warrant ay inilabas ni Judge Elizabeth Yu-Guray.

Dito na nasamsam ng mga awtoridad ang limang sachet ng hinihinalang shabu at dalawang timbangan.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban kay San Pedro partikular ang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...