Papel ng terror group na Dawlah Islamiyah sa pagsabog sa Isulan, tinitingnan ng pulisya

Inaalam ng pulisya ang posibleng pagkakasangkot ng Dawlah Islamiyah group sa pamumuno ni Abu Toraife sa pagsabog sa harap ng restaurant sa Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon kay Soccsksargen Police chief Brig. Gen. Eliseo Rasco, ang mga suspek sa pagpapasabog ay posibleng galing sa naturang grupo na matagal ng nasa lugar.

“Ito ‘yung matagal na nandiyan sa area ng Maguindanao, itong Dawlah Islamiyah,” ani Rasco.

Dagdag ng police official, ang narekober na mga parte ng improvised explosive device (IED) mula sa lugar ng pinagsabugan ay pareho sa ginamit sa pagsabog noong Auagust 2018 sa bayan din ng Isulan na sinasasabing kagagawan ng Dawlah Islamiyah group.

“Yung mga na-recover na ginawang kasangkapan ng IED kahapon ay ganun din ‘yung mga kasangkapan na ginamit sa IED na sumabog last year kagaya ng mga pako, ‘yung pinaglagyan at iba pang kasangkapan,” dagdag ng opisyal.

Nasa 18 katao ang nasugatan sa pagsabog malapit sa entrance ng Carlito’s Chicken.

Una nang sinabi ng otoridad na pangingikil ang posibleng motibo sa pagsabog dahil nakatanggap ng mensahe ng extortion ang may-ari ng restaurant noong nakaraang linggo.

Read more...